Make your own free website on Tripod.com

 Why are there Filipinos in the Middle East?Where are the Filipinos in the Middle East?Who are the Filipinos in the Middle East?How to reach a Filipino in the Middle East?What is new with Filipinos in the Middle East?

Pasko na, Millenium pa!

Alam na natin na kapag ganitong Kapaskuhan, mas matindi ang homesickness ng ating mga kababayan. Ngayon dahil marami-rami na ring Pilipino sa Middle East ang may access sa TFC, doble-doble pa ang homesickness. Mababaw pero, nakaka-inggit isiping hindi nila mae-enjoy ang pamosong New Millenium party sa Pilipinas.

Aba! Siyempre naman, minsan lang sa isang daang taon ang ganitong pagdiriwang kaya natural lamang na mainggit ang mga Pinoy sa Middle East sa mga kababayan natin sa Pilipinas. Bakit, sa palagay ba ninyo ay maabutan pa namin ang susunod na Millenium party? Halimbawang maabutan nga, baka nandito na naman kami sa Middle East. Nakakapikon naman yun!

Sabi nga ng isang asar-talong Pinoy, "First time kong umalis ng Pilipinas, kung bakit naman sa dinami-dami ng lupalop na puwedeng puntahan dito pa sa walang Pasko, mukhang wala ring Millenium party!" Oo nga naman. Pero bakit ka naman patatalo sa ganitong dahilan. hindi ba sapat na kapalit nito ang pagkakataong makaahon ka sa paghihikaos? Kaya sa halip na pagmukmukan mo ang kawalan ng "millenium party" sa napuntahan mong lugar, magpakasipag ka na lang, tiyaking makapag-iipon para hindi na maulit pa ang ganitong mga pagkakataon.

Kung Pasko naman ang hinahanap mo, aba, bakit nga naman sa Islamic country ka nagpunta. E, disin sana'y hindi ka na tumuloy. Nasa iyo naman ang desisyon di ba? Ibig sabihin huwag mong gamitin itong dahilan upang magmukmok. Nalulungkot na nga ang mga mahal mo sa buhay na nasa Pilipinas, isa ka pa dito sa Middle East. Kahit magkakalayo kayong mag-anak, isapuso mo ang diwa ng Pasko: ang pagmamahal. Hindi ba't pagmamahal din naman sa kanila ang dahilan kaya nagtitiis ka ng madisyertong Pasko ngayon?

Siya, kung lalo ka lang naho-homesick dahil sa kapapanood mo ng TFC, tigilan mo na yan!


Miss na miss ko na kayong lahat diyan sa Pilipinas!

Magkakasya na lamang ang mga Pinoy sa Middle East na manood sa TFC o sa iba pang satellite services nang mga mangyayaring Millenium celebrations sa Pilipinas. At least, tipid din yun sa mga paputok. Oo nga pala, bawal nga pala iyong mga paputok sa Middle East.