Make your own free website on Tripod.com

 Why are there Filipinos in the Middle East?Where are the Filipinos in the Middle East?Who are the Filipinos in the Middle East?How to reach a Filipino in the Middle East?What is new with Filipinos in the Middle East?

Pasko na, Millenium pa!

Alam na natin na kapag ganitong Kapaskuhan, mas matindi ang homesickness ng ating mga kababayan. Ngayon dahil marami-rami na ring Pilipino sa Middle East ang may access sa TFC, doble-doble pa ang homesickness. Mababaw pero, nakaka-inggit isiping hindi nila mae-enjoy ang pamosong New Millenium party sa Pilipinas.

Aba! Siyempre naman, minsan lang sa isang daang taon ang ganitong pagdiriwang kaya natural lamang na mainggit ang mga Pinoy sa Middle East sa mga kababayan natin sa Pilipinas. Bakit, sa palagay ba ninyo ay maabutan pa namin ang susunod na Millenium party? Halimbawang maabutan nga, baka nandito na naman kami sa Middle East. Nakakapikon naman yun!


Maraming nangyayari sa mga Pilipino sa Middle East, magbalitaan tayo.

Para sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas, wala na sigurong mas maganda pa kundi sa mga balita tungkol sa mga Pilipino sa Middl East.


Bawasan ang Yabang, Maprinsipyong Pakikisama

Gaano ka na ba katagal na namamasukan? Nagtapos ka ng kolehiyo. Alam mong magaling ka at kailangan mo lamang ng pagkakataon. Big break, wika nga. Subalit, nagkaka-edad ka na ay mukhang hindi pa ito dumarating sa iyo sa Pilipinas. Kaya ka nagpasyang mangibang-bayan. Gitnang Silangan. Hindi bale nang bumaba ang posisyon mo dito, mas malaki naman ang pasahod kaysa sa Pilipinas. Mataas ang mga pangarap mo.


Ano Ngayon Kung Tapos na'ng Ramadan?

Ang pagtatapos ng Ramadan ay may malaking religious implications para mga Muslim sa buong mundo. Ito ay tanda ng katuparan ng mga panalangin nila na buong puso nilang tinalima sa buwan ng Ramadan. Subalit para sa mga Pilipino sa Middle East na karamihan ay hindi Muslim, iba ang kahulugan ng pagtatapos ng Ramadan.

Hindi naman sa kawalan ng respeto sapagkat iginagalang nating mga Pilipino ang kasagraduhan ng buwan ng Ramadan sa mga kapatid nating Muslim pero para sa ating mga hindi Muslim, ito ay sigh of relief more than anything else lalo na sa mga nasa Saudi Arabia sapagkat ito ay pagbabalik sa "normal" na kalakaran sa lahat ng bagay.



Maligayong Pasko at Manigong Bagong Milenyo na lang, mga kabayan!

Anong millenium? Kung nasanay ka na sa Arabic calendar at nakalimutan mo na ang ating Gregorian calendar, paano mo ipagdiriwang ang Y2K gayong 1421 pa lang next year?