Why are there Filipinos in the Middle East?Where are the Filipinos in the Middle East?Who are the Filipinos in the Middle East?How to reach a Filipino in the Middle East?What is new with Filipinos in the Middle East?

Reklamo ng Reklamo...

Marami-rami na rin ang mga Pilipino sa Middle East kung kaya't hindi maiiwasang dumami rin ang mga maririnig nating reklamo mula sa kanila. Reklamo sa napasukan nila sa Middle East, reklamo sa mga kasama sa trabaho, reklamo sa mga kasama sa bahay, reklamo sa mga kamag-anak sa Pilipinas, reklamo sa gobyerno. Lahat na yata ng reklamo ay maririnig mo pero nakarinig ka na ba ng inireklamo niya ang sarili niya?

Marahil ay isa na itong paraan upang makatakas ang kababayan natin mula sa kalungkutan ng mapalayo sa kanyang mga mahal sa buhay. Pero, paano kung wala na siyang ginawa kundi magreklamo?

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga nakalap nating reklamo ng mga OFW sa Middle East. Baka isa dito ay sa bibig ninyo nanggaling:

"Ang tanga ng amo ko. Walang alam pero ang yabang-yabang. At bakit ko siya tuturuan? Manigas siya!"

"Kanina, ang init-init. Ngayon naman ang lamig-lamig."

"15 riyals? Ang mahal naman nito?! One hundred fifty na ito sa Pilipinas, ah?!"

"Shit! Ang baho! Ang baho ng singaw ng katawan. Ang baho ng paa. Ang baho pa ng hininga."

At siyempre, mayroon tayong paborito. Ito yung talagang classic. Madalas natin itong marinig sa mga kababayan natin lalo na't nasa mood silang mang-good time. Kung nasabihan ka na nito, malamang nag-uulit ka na rin ng damit: "Pare, naligo ka ba?"

Sa lungkot ng buhay sa Middle East, hindi puwede tuloy-tuloy na pagseseryoso. At dahil wala namang gaanong mapaglibangan dahil wala man lang kahit sinehan, lahat ay ginagawang mapaglilibangan. Siyempre, nakakasawa naman ang magbabad sa TFC dahil pare-pareho lang naman ang putahe ng ABS-CBN, iniiba lang ang sahog kaya pinagpipiyestahan ang mga reklamo.


The Red Sands

Kung gaano kalawak ang mga disyerto ng Middle East, ganoon din dapat ang pasensiya ng mga Pilipino kundi ay siguradong mahihirapan silang magtagumpay dito. Ang Middle East ay may angking kalupitan. Sa sandaling malagpasan ito ng mga Pilipino, tiyak ang tagumpay niya sa pagpunta niya rito.