Spice Archives Vol. 1 Isnabang Pinoy Matapos ang makapigil-hiningang karanasan ni Victoria Miranda sa Saudi Arabia, maraming Pilipino na ang naging mailap sa kanilang kapwa. Mahirap na sa kanila ang basta magtiwala. Sige, sabihin nang takot sila at ayaw nilang maranasan ang nangyari kay Vicky Miranda pero medyo OA na yung iba. Hindi naman siguro masama na kahit tanguan man lang sana nila ang mga nakakasalubong nilang mga kababayan. |
Ang bawat Pilipino sa Gitnang Silangan ay may kanya-kanyang pangarap. May kani-kaniya din silang pamamaraan sa pagtupad nito. Ang panalangin lamang ng MEPinoy ay matupad nila ito ng hindi makasasagasa sa kanilang kapwa, lalo na sa mga kapwa Pilipino. |
|||
Bad Trip si Idol Marami-rami ring Pilipino ang nagsiksikan sa Intercon Riyadh para sa two-day concert ng Filipino juke box king na si April Boy Regino. Mukha namang nag-enjoy ang lahat pero halatang naiirita si idol sa pangit na sound system ng venue. Tinapos naman niya ng "maayos" ang concert complete with his usual antics pero hindi niya naitago ang pagka-bad trip niya. Sa susunod, medyo simplehan sana niya dahil hindi naman tanga ang mga audience niya sa Riyadh. Magandang Feedback sa mga Pinoy sa Riyadh Nakakatuwang marinig lalo na kung ilang ulit pa ang mga positive comments mula sa ilang mga managers ng mga kumpanya sa Riyadh tumgkol sa mga manggagawang Pilipino. Sabi ng isang Saudi manager na isang mabait na mutawah, may kumpiyansiya daw siya sa mga Pilipino technicians kaya kahit iba ang relihiyon ng mga ito, hindi siya nagdalawang-isip sa kanyang desisyong mag-recruit sa Pilipinas. Sulong, Pilipino! COMSOFIL Dream Come True! In the most recent COMSOFIL seminar at Al Mutlaq Hotel, officers proudly unveiled the organization's website claiming it was a realization of a long standing dream. An officer actually took the pain to go through most of the "under construction" pages to familiarize the audience with the website. He bragged about the web-based email service of the website. Everybody was excited with the unlimited mailboxes COMSOFIL will give to its members. Almost a month after the launch, the "under construction" pages remain under construction and the email of the thirty or so new members remains inactive. Wake up guys, make your dream come true! |
||||
|
|
Copyright © 2000, 2001. Manila, Philippines. This website has been designed in response to the social vacuum created by the tolerance of an unabashed and cheap exportation of Filipino brain and brawn power particularly to the Middle East. While everybody is welcome to enjoy the website, the author reserves the right to every element of the website. It is expected that people who would like to use any part thereof will seek appropriate permission from the author. Unless otherwise stated, materials appearing herein are originally developed by MEPinoy. |