Why are there Filipinos in the Middle East?Where are the Filipinos in the Middle East?Who are the Filipinos in the Middle East?How to reach a Filipino in the Middle East?What is new with Filipinos in the Middle East?

Mga Sulat ni Nonoy

Katulad ng maraming Pilipinong nagpunta sa Middle East, umaasa si Nonoy na magkakaroon ng mas magandang buhay pagbalik ng Pilipinas. At siyempre, umaasa din siya na magiging maayos ang lahat para sa kanya sa magiging buhay niya sa Middle East. Sana nga...

Ang Lahat ay May Simula...

Assalam Alaikom! Kumusta na kayo diyan? I hope you have eagerly been waiting to hear from me. Medyo natagalan akong mag-email sa inyo dahil sa naging priority ko the past days ang mag-adjust sa aking host country. In fact, may severe cold and cough pa rin ako hanggang ngayon. Tapos yung upper lip ko halos punit-punit na. Other than my physical condition, everything is doing great. Medyo marami na akong alam na Arabic, lalo na yung mga conversational. Hahabaan ko ang kwento ko ngayon para sulit naman. Bahala na kayong mag-skim sa gusto ninyong basahin.

The Flight

12:45pm ng September 14, 1999 ang flight ko pero 9:30am palang nasa airport na ako. 10:15am ng makumpleto kami ng mga kasama ko. Pagkatapos ng ilang photo shoots at phone calls, pumasok na kami, mga 10:30am na yun. Grabe talaga ang burukrasya sa loob ng airport! Alas dose na ng marating namin ang Gate 14, doon kami dadaan pasakay ng Saudi Airlines Flight 867. 12:30 nang magsimula silang magsakay. Eksaktong 12:45, tumatakbo na sa runway ang eroplano pero 1:15pm na ng mag-take off, kung bakit ewan ko! Ang tagal ng biyahe, akala ko 9 hours lang pero hindi pala dahil nag-stop over kami sa Dharhan.

Finally, Riyadh!

Dumating kami ng Riyadh 7:15pm (KSA time, late sila ng 5 hours sa RP time kaya bale 12:15am na ng September 15, RP time, ng dumating kami sa Riyadh). Ang laki-laki ng King Fahad International Airport, siguro mga 5-6x bigger siya sa NAIA at splendid ang architecture. Pero mas bilib ako sa immigration procedures nila! Wala pang ten minutes, nasa Customs na kami. Mahigpit sila sa mga incoming baggages, lahat binubuksan, ultimo brown envelop na naka-seal hindi makakalusot pero efficient pa rin ha?! Dito ako natagalan kasi na-confiscate yung dala kong CD case! Pinababalikan pa sa akin dahil itsi-check pa nila yun isa-isa. Pero, cool pa rin ha dahil okay naman ang treatment nila sa akin. Take note na hindi naman nila ako dinampot at binitbit sa kung saang opisina. Nandoon pa rin ako sa Customs section. Pagkatapos noon, nakalabas na kami. Mas matagal pa nga naming hinintay ang sundo namin. Oo nga pala, 42úC ang temperature nang dumating kami kaya feeling ko litson ako.

Ang Paghihintay

Almost an hour naming hinintay ang sundo namin. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ko nabiktima na ako ng illegal recruiter. ang daming naglalaro sa isip ko. Paano kung illegal recruitment nga ito? Paano ako uuwi ng Pilipinas? Paano ako makikipag-usap sa mga Arabo? Saan ako pupunta? Lalong lumakas ang kaba ko nang unti-unti nang nauubos ang mga tao. Diyos ko, napasubo yata ako. Sa sobra kong anxiety, lahat ng bagong dating na mukhang susundo, nilalapitan ko. Finally, at around 8:40, may payat na Pilipinong lumapit sa Flight Schedules. May kasama siyang dalawang Arabo. Napapailing silang tumutingin sa schedules tapos sa relo nila. Sa loob-loob ko, mga engot, nandito na kami sa likod ninyo. Nilapitan ko ang Pilipino. Itinanong ko kung siya si Perry, yung Computer Technician. Nang tumango, napangiti na ako. Hindi kami na-illegal recruiter. Yung dalawang Arabo, sina Mohammed, kapatid sa ama't ina ng may-ari ng pagtratrabahuan ko, at si Mohandes, yung head ng Technical Group. Hindi na na-unfurl ni Perry yung dala nilang welcome placard. Anti-climatic talaga! So, hindi na kami nagtagal. Sumakay na kami ng horizontal na escalator(hindi ko alam ang official name niya) hanggang doon sa may parking lot. High tech, ano? Walang kapagod-pagod. Pero mas na-impress ako sa sundo naming kotse!

My New "Home"

Ang layo ng airport nila sa sentro ng Riyadh ay parang Pampanga to Manila pero wala pang thirty minutes nakarating na kami sa Olaya, ang sentro ng Riyadh. Ang lalapad ng mga kalsada nila, ang linis, ang liwanag, para ngang puro superhighway, eh. Pero, road lang ang tawag nila doon. Wala na halos disyerto sa dinaan namin. Pero, mas nagulat ako sa tutuluyan kong lugar, sa Olaya, distrito siya ng Riyadh pero itong Olaya ay ang equivalent ng Ayala sa Pilipinas. Nandito ang halos lahat ng offices at showrooms ng mga computer at electronic brands. Nandito rin ang mga head offices ng malalaking government offices tulad ng Interior, Foreign Affairs at Labor. Nandito rin ang head offices ng mga bangko. Highly urbanized talaga. Wala ng disyerto sa Olaya. Mali ang impression at notion natin sa Saudi. Mas advanced ang society nila in terms of tangible proof of progress, development and civilization. Pero, siyempre, mas maraming matataas na building sa Makati. Dito, wala pang 20 ang lagpas ng 20 floors dahil ngayon pa lang sila nagsisimulang gumamit ng technology na makapagpapatibay ng mga sky scrapers sa dating lupang disyerto. Pero, impressive ang imagination ng mga architects nila dito. Hindi mo sukat akalaing ang ganoong shape ay puwede palang maging building! Bibili ako ng camera at kapag nakalusot ay kukunan ko ng pictures ang mga buiildings na ito at ipo-post ko sa internet. From the airport, dumiretso na kami sa accommodation namin. Parang nasa Bel-Air lang ako. Bungalow ang bahay at hinati sa dalawa para sa mga married at single accommodations. Siyempre, doon kaming lahat sa single accommodation. Hindi ako solo ng kuwarto pero okay na rin para hindi tamang-homesick, kasama ko sina Perry. Airconditioned ang buong bahay, pati banyo, na take note ay mayroong bath tub, na hindi ko pa nagagamit. Titiyempo ako, baka akala ninyo.

My First Meal in Saudi

Komo nga pagod na kami, we decided na bumili na lang ng hapunan. Siyempre, abono muna si Perry dahil mayroon na siyang riyals. Kafsa ang binili namin. Katulad ito ng litson manok natin na may kasamang fried rice. Masarap. Nagustuhan naming lahat. Hindi naman pala ganoon ka-anghang ang pagkain nila, mas maanghang pa nga ang pagkain ng mga Bicolano. Bumili din kami ng Magnolia (yes!) Ice cream at ng Mirinda (hindi orange kundi parang Mountain Dew). Solve na kami. Ready na para sa bagong buhay namin sa Saudi.

A Whole New World

Basta, ang masasabi ko lang, if you can survive Saudi Arabia, you can survive anywhere in the world. Here is the most conservative society and the harshest of conditions a Filipino can ever imagine. Dito, magmamature kang talaga. Ilang araw pa lang ako pero damang-dama ko na ang tension ng maging alien ka dito. Mahirap talaga. Ang consolation ko lang ay napakaganda ng lugar (trabaho, bahay, etc.) na napuntahan ko. Dito, you will have to unmake yourself in order to make your life bearable. Ultimo working hours dito ay kakaiba dahil sa religious practices nila. Staggered ang oras namin dito. 9am-1pm tapos siesta kami hanggang 4:30pm, pasok uli ng 4:30-6pm. Salah(prayer time) ng 6-6:30pm kaya break ito. Resume uli ng 6:30 hanggang 9pm na yun. Ganoon din ang business hours kaya hanggang 11pm, may mga bukas pang grocery, showrooms, etc. Walang malls dito, walang department stores, boutiques lang, walang disco, walang bar, walang inuman, walang massage parlor, walang sinehan. Wala!!!! Kaya kung hindi ka handa sa ganito kalungkot na lugar, huwag kang pupunta dito, mababaliw ka. As if these are not enough, wala ring kartero dito, puro P.O. boxes lang kaya halos isang buwan bago magkasagutan ang mga sulat dito. Buti na lang may email tayo! Diyan, lamang na naman ako. Na-iimagine ko nga kung gaano kalungkot yung ibang mga Pilipino dito, lalo na yung mga nasa disyerto maski yung mga Pilipinang kailangan ding magsuot ng abaya (yung itim na balot-balot mula ulo hanggang paa ng mga babae). Paano, masyado nang mahaba ito. Sa susunod na ang karugtong. Sa susunod, yung mga lakwatsa ko at ng tropa ko dito at kung bakit ang mga nagsa-Saudi ay hirap makaipon ng pera. Sa susunod na rin yung mga kuwentong gross tulad ng mga beheading pati na rin yung mga naging kakilala, kaibigan at kaaway ko dito, at yung tungkol sa malawak na underground "eclesia" dito.


Lahat ay nagpupunta na rin sa Middle East.

Sundan ninyo ang mga kuwento ni Nonoy. Maaaring privileged siya kung ikukumpara sa ibang Pilipinong nagtratrabaho sa Middle East pero isa pa rin siyang Pilipino at nararamdaman din niya ang nararamdaman ng iba pa nating kababayan sa Middle East. Katulad ng iba pang mga migranteng Pilipino, maraming kuwento si Nonoy. Pakinggan natin at unawain ang damdamin nilang mga Pinoy sa Middle East.