Why are there Filipinos in the Middle East?Where are the Filipinos in the Middle East?Who are the Filipinos in the Middle East?How to reach a Filipino in the Middle East?What is new with Filipinos in the Middle East?

Lingo Arabo

Maraming Pilipinong nagpunta sa Middle East ang wala halos alam na salitang Arabic. Noong una, hindi nila alam kung paano nila pag-aaralanat matututunan ang wikang ito pero sa paglipas ng panahon ng kanilang pamamalagi sa Middle East, mas mabilis pa silang matuto ng Arabic kaysa matutunan ng mga Arabo ang sarili nating wika.

At dahil marami ring dialects ang Pilipinas, ang katangiang ito ng mga Pilipino ay mababakas din natin sa kung paano nila ini-adjust ang kanilang mga dila sa pagsasalita ng Arabic. Ang mga sumusunod ay pagkilala sa lingo arabo nating mga Pilipino.

Siyempre pa, maraming Pilipino ang nakakaalam ng sallam (peace). Kaya madali nilang natutunan ang "Assallam alaikom" (May the peace of Allah be with you) na siyang universal greeting ng mga Arabo. Puwede ito anytime, sa umaga, tanghali, hapon, gabi, at maski sa pamamaalam. Ganito ito ka-flexible kaya kung kaya mo itong sabihin, hindi mo na kailangan pang alamin ang translations ng good morning, good afternoon, good evening, goodbye at ng lahat na ng good na alam natin.

Pagkatapos ng sallam, kasunod nating natututunan ang loveteam ng Keif Al halek? (How are you?) at Kuayyis (Fine). Paanong hindi natin ito makakabisa, eh ito ang sunod na sinasabi ng mga Arabo kapag nagbabatian sila. Ang nakakatawa pa nito, tanong nila, sagot nila. Ganyan pa naman ang gustong-gustong ginagaya ng mga Pilipino. Siyempre, kasabay na nito yung mga usual na sagot sa tanong gaya ng aiwa (yes), la (no), naam (yes) at tayib (okay).

Masyado rin tayong na-expose sa salvaging sa Pilipinas kaya hanggang Middle East, nadadala natin ito sa pamamagitan ng pamumulot sa baladiyah (basura) ng mga Arabo. Ito yung mga maaari pang pakinabangan pagkatapos ng kunting linis at repair na para sa mga Arabo ay basura na. Siyempre, pupulutin ng Pilipino, lilinisin, aayusin, presto! May bagong gamit na naman siya sa bahay. Usually, these would be old carpets na nalagyan ng chewing gum (puwedeng labhan), cabinets (tatapalan ang sira o basag), upholstery (basta mauupuan pa) at basag na salamin (dedekorasyunan).

Sa mga Pilipinong laging pinaaasa sa kanilang mga suweldo at allowances, madalas nilang marinig ang insha Allah (God willing) kaya ayun, expression na rin nila ito. At dahil madalas na karugtong nito ay bhukrah (tomorrow), nakasanayan na rin ito. Tapos, itatanong mo kung may maaasahan ba, fi (meron) o ma fi (wala). Mayroon din namang expression of politeness gaya ng tafadhal (please), term of endearment gaya ng habibi (dear) at saddiq (friend).

Kung direksiyon naman ay tiyak ang yamin (right), yesar (left), allatul (straight) at hena (here). Kung may kinalaman naman sa oras, andiyan ang eala (let's go), surah (faster), ruh (go), dagigah (one moment), shuweyah (wait).

Pero kung mayroong kaagad na natutunan ang mga Pilipino, iyan ay ang magbilang: wahed (1), ithnen (2), thalata (3), arba (4), khamsa (5), setha (6), sabah (7), tamaniah (8), tesah (9) at ashrah (10).

Pero, kung mapapasabak ka sa usapan at pakiramdam mo ay hindi ka uubra, pinaka-safe ang "Ana mafi malum Arabi." (I don't know Arabic.) at insha Allah, tatahimik na ang Arabong kausap mo dahil tatalikuran ka na niya. Medyo bastos, pero masasanay ka rin. Ganyan talaga sila. Kaya, magkibit-balikat ka na lang. Ma fi mosquelah. (No problem.) Kalas! (Finished!)


Maraming nangyayari sa mga Pilipino sa Middle East, magbalitaan tayo.

Para sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas, wala na sigurong mas maganda pa kundi sa mga balita tungkol sa mga Pilipino sa Middle East.