Why are there Filipinos in the Middle East?Where are the Filipinos in the Middle East?Who are the Filipinos in the Middle East?How to reach a Filipino in the Middle East?What is new with Filipinos in the Middle East?

Mga Tanong na Hindi Nasagot
at Hindi Maitanong

Matagal nang nagluluwas ng mga manggagawa ang Pilipinas sa Middle East subalit hanggang ngayon marami pa rin tayong hindi nauunawaan sa mga kababayan nating nagpapakahirap doon. Madalas, inaakala natin na parang ordinaryong pamamasukan lamang ang magtrabaho sa Middle East kaya marami sa atin ang nasho-shock kapag nakababalita tayo ng hindi maganda. Sa ganitong pagkakataon, mabilis din nating ibinubunton sa pamahalaan ang sisi. Ang hindi natin nakikita, isa na itong bulok na aspeto ng ating kultura. Lahat tayo ay may pananagutan sa mga Pinoy sa Middle East.

Marami ng tanong ang hindi nasagot subalit higit na marami pa ang tanong na hindi maitanong. Ito ay lumalagpas pa sa mga simpleng bakit, saan, sino, paano at ano. Ito ang mga tanong na umuusig sa bawat isa sa atin lalo na sa mga pamilya ng mga Pilipino sa Middle East.




Maraming nangyayari sa mga Pilipino sa Middle East, magbalitaan tayo.

Para sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas, wala na sigurong mas maganda pa kundi sa mga balita tungkol sa mga Pilipino sa Middl East.


Bakit May MEPinoy?

Three years ago, I convinced myself that I can realize my dreams without leaving the Philippines. I struggled dedicating my whole life to fulfilling my vision.

Unfortunately, the more I work hard, the farther my dreams have become. One day, I realized that it is starting to become difficult for me to fulfill my elusive dreams. I started looking beyond the Philippines. I told myself that I will not go old sorry for not running the extra mile.

I had a number of good offers but until I started working on this website, I can not satisfactorily explain it to my friends and relatives why I opted to go to Saudi Arabia where I will be deprived of most of the liberties I have enjoyed and fought for in the Philippines.


Mga Kuwento ni Nonoy

Sundan natin ang kuwento ng pakikipagsapalaran ni Nonoy sa Gitnang Silangan. Samahan natin siya sa pagtuklas sa lupain at kultura ng mga Arabo at kung paano siya nakikibaka upang matupad ang kanyang mga pangarap.

Subukan nating pakinggan ang mga kuwento ni Nonoy at baka sa kanya ninyo marinig ang mga hindi maiwikang karanasan ng inyong mga mahal sa buhay. Baka sakaling sa pamamagitan ni Nonoy ay mas maunawaan natin kung paano natin dapat tangkilikin ang mga migranteng Pilipino.



Si Nonoy ay ang manggagawang Pilipino sa Middle East.

Kung may pagkakahawig man ang kuwento niya sa tunay na buhay, iyon ay sapagkat si Nonoy ay nasa pagkatao ng bawat manggagawang Pilipinong nasa Middle East.